Walang Talo2x
Si Pag-ibig ay nagparamdam na naman,
Kaysakit na ng aking napagdaanan.
Ngunit ako'y yong binabalik-balikan,
Sa iyo ba ay wala na akong kawalan?
Yan na naman si kupidong asintado,
Puso'y tinamaan at naging kabado.
Ngayo'y naghihirap, puso'y problemado,
Pagkakaibigan nami'y apektado.
Nararamdama'y kayhirap maitago,
Ngunit damdami'y di rin pwedeng lumago.
Kasalukuyan ay nagpapakalayo,
Ngunit di matiis ang lumapit sayo.
Sobrang lalim pa ng pagkakahulog ko,
Sa dinami-dami, dun pa sa tropa ko.
Binalak ng bumitaw, la lang sasalo,
Kasunduan nami'y walang talo-talo!
Si Pag-ibig ay nagparamdam na naman,
Kaysakit na ng aking napagdaanan.
Ngunit ako'y yong binabalik-balikan,
Sa iyo ba ay wala na akong kawalan?
Yan na naman si kupidong asintado,
Puso'y tinamaan at naging kabado.
Ngayo'y naghihirap, puso'y problemado,
Pagkakaibigan nami'y apektado.
Nararamdama'y kayhirap maitago,
Ngunit damdami'y di rin pwedeng lumago.
Kasalukuyan ay nagpapakalayo,
Ngunit di matiis ang lumapit sayo.
Sobrang lalim pa ng pagkakahulog ko,
Sa dinami-dami, dun pa sa tropa ko.
Binalak ng bumitaw, la lang sasalo,
Kasunduan nami'y walang talo-talo!
No comments:
Post a Comment